| kabobohan |
[15 Aug 2004|01:22am] |
|
nakalimutan kong sabihin kung sino ako. boblats.
x_revolution_x dati. joyce ang pangalan.
sige, kailangan ko nang magsulat. lintek na ateneo essay yan o.
magandang umaga :) ngarag na 'ko pero mukang maaabutan ako ng pagsikat ng araw na mulat. hindi ako makatulog leche.
|
|
| nagbabalik na naman ako. |
[15 Aug 2004|12:35am] |
|
binyagan! mga dating kaibigan, gawin na ang nararapat gawin :) simulan na! bukas din ang pinto ko sa mga bago at maaaring maging 'kabigan' :) mas marami, mas masaya.
magpalaya! :)
--
ANINO
maglalaro ako sa liwanag ng gabi kasama ng mga puno at bituin sa langit.
sisigaw ako kakanta magwawala-- hanggang kainin ng araw ang buwan.
tatakas ako magtatago maglalaho ng parang bula tutungo sa hardin ng kagalakan.
...ngunit preso ako ng isang bangungot.
inalila ng pagkakataon binusabos ng tadhana tinalikuran ng kapalaran pinagkaitan ng kalayaan.
...hanggang sa hindi ko na kinaya.
gusto kong mabuhay sa masayang panaginip gusto kong makulong sa ligaya kakalimutan na kita.
iwan mo na ko gusto ko nang mag-isa.
hindi ko na maalala kung kailan namin to sinulat. pero natatandaan ko na wala wala lang to. pinagpasa-pasahan namin para mabuo (buti naman at hindi gaanong kasabog). hindi rin siya base sa nararamdaman ng kahit na sino samin nung mga panahong kinatha namin yan. pero ngayon nung binasa ko ulet, ang galing kasi swak. swak sa nararamdaman ko ngayon.
*hingang malalim*
kelan kaya mamamatay ang kahapon?
|
|